Tuesday, April 25, 2006

kangaragan

Apat na gabi na akong hindi maayos ang tulog.

Takte yan! Pano ba naman, umalis sina mama nung friday para magbeach so ako lang yung naiwan sa bahay. Eh ayun hindi ako makatulog kasi natatakot ako. Hehehe. Kaya madaling araw na talaga ako nakatulog (mga 3am na cguro), tas bukas ilaw pati radyo! San ka pa?!

Eh tas kinaumagahan nun eh magmmeet kami nina mond ng 6am sa mcdo qave kasi may lakad kami. Kamusta naman diba?? 6am?? Haha,shempre late ako.. Pero mas late pa din si allan! Yey,buti na lang!

So overnight kami sa batangas at shempre dahil outing yun,mejo late na naman ang tulugan. Hehe,yun nga lang ako yung unang nakatulog. Andami pa palang nangyari na hindi ko na nadatnan kasi bagsak na ko dun sa banig na nilatag namin sa may beach :D Eh di yun na nga,balik kami dito sa manila ng sunday ng mga hapon tas naglaro muna kami ng poker sa sunken ng hanggang mga 7pm (kung saan AKO ang nanalo! woohoo!). Uuwi na sana ako,pero nalaman kong wala pa ring tao sa bahay kasi monday pa pala babalik sina mama. Anong say mo,todo lakwatsa nanay ko! Hehe. Anyway,napagpasyahan kong kina katkat na muna makitulog kasi nga hindi ko na kayang mag-isa sa bahay.

Eh di punta na ko sa kanila,tas late na naman kami natulog kasi nag-aral pa kami para sa PI exam namin kinabukasan. Tas nung tulugan na,hindi na naman ako makatulog kasi ala din akong kasama sa kwarto kina katkat kasi dun sha sa mama niya natulog. So tadaaa! ngarag na ngarag na talaga ko nun. At kung akala nyo eh nakapahinga na ko pagtapos nun,you're definitely wrong! SOOO WROOONG!!

Sapagkat may report kami kanina sa PI so kinailangan naming mag-overnyt kina mama mei. At shempre,dahil kagabi pa lang ako nagbasa, ayun na! Halos wala kaming tulog! Literal talaga! Ako,siguro mga at most 2hrs lang kabuuang tulog ko. Hanggang ngaun. Syet. Tas hindi pa ko nakanuod ng Sam Soon kagabi :( Tas bukas may exam naman kami sa ENVISCI. Jusko! Wish ko lang makaaral ako at magising ng maaga bukas.

Buti na lang may inspiration ako... hehe. Puge.
:)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home