buhay 6years old
Eto yung bunso kong kapatid, si Marisse, 6 years old at magbbirthday sa June 6. Kung makikita niyo,hindi katangusan ilong niyan. Actually, joke joke na yun sa bahay. Minsan ang tawag sa kanya si Pangulo (pango-lo), tas niloloko sha ng tatay ko na pag-iipunan na raw pampanose lift niya :D
Marisse: Ate, gusto mo bang mag-asawa?
Ako: Hinde. (hindi ako mashadong nagpapakita ng reaction. yup,inuungas ko lang sha.)
Marisse: ....... (hindi rin sha ngreact,mukhang hindi yun ang ineexpect niyang sagot ko)
Ako: Joke lang. OO NAMAN!
Marisse: Eh di ba masakit manganak? (takte dapat ba alam na niya to??)
Ako: Kanino mo naman nalaman yan?!
Marisse: ... (hindi niya sinagot ang tanong ko. mabait na bata to eh.)
Ako: Eh bakit ikaw gusto mo bang mag-asawa?
Marisse: Hinde. Magboboyfriend lang ako. Tas hihiwalayan ko din.
Tae! Haha. Six years old yan ha.
*Hoy,wag niyong sasabihing mana saken to! Gusto kong mag-asawa no! :P*
Eto pa:
(Eto yung Monday na di ako papasok kasi nagdudugo na ilang araw yung ilong ko. Naghahanda na sha pagpasok nito, ako nakahiga lang.)
Marisse: Ate,papasok ka ba?
Ako: Hinde. Maysakit ako eh.
Marisse: Eh,anong sakit mo?
Ako: Sakit sa ilong...
Marisse: MAGPANOSE LIFT KA KAYA!
Yun talaga yun eh! Hangkapal ng mukha! Hahahaha! Ako pa talaga sabihan ng ganun?!? Mejo may kaungasan talaga tong kapatid ko na to eh. Eto naman,asa simbahan kami eh ang gulo gulo niya.
Kami: Huy Marisse,wag ka ngang malikot. Laro ka ng laro. Sige ka,lagot ka kay Jesus! (Ang Jesus na tinuturo namin eh yung nakaluhod na may dala-dalang cross)
Marisse: Eh hindi naman ako maaano niyan eh! Ang bigat kaya ng dala niya!
Panalo. Kahit mga magulang ko wala nang nasabi. Ansaya magkaron ng kapatid na bata,parang lahat bloopers. Haha! Pero sana wag na tumanda. 6years old na lang forever.
2 Comments:
ang kulit! :)
yung bunso kong kapatid, 13 years old na at halos kasing-laki ko na. Minsan wini-wish ko na bumalik siya sa pagka-baby, mga tipong 4 yrs old ulit. kaya i-cherish mo na yang kakulitan ng kapatid mo. hahanapin mo yan in the future.:)
hehe,onga eh! meron din kasi akong kapatid na magfo14 naman sa april,tas yun iba talaga.. :D
Post a Comment
<< Home