Friday, August 11, 2006

matapos ang matagal na panahon

Grabe. Ang tagal na ng huling post ko dito hehe. Pano naman kasi, busy busyhan. Hayy.. nakakapagod pala talaga. Pag minsan, parang ang sarap ipause muna yung mga pangyayari tapos papahinga muna ko. Kaso hinde naman pwede. Kaya para masaya magbblog na lang ako! Haha!

At dahil uso ang blind items sa forums, eto may blind item din ako! Eto ang naging pangyayari, hulaan nyo na lang...

Eto kasing si Unknown mem (na babansagan nating Best Actress) eh kinuha yung salamin ng isa pang mem na itago na lang natin sa pangalang Stigma. Eh di sinuot nya at nagcomment sha:

Best Actress: Ahm, ok naman sha. Malinaw sa malapit kaso lang GROGGY sa malayo...

Aba aba! Akalain mong GROGGY yung salamin! Yung salamin ha! Asus, kayo talaga. Baka naman kasi naglasing kagabi yung salamin kaya hanggang ngaun eh GROGGY pa rin sha.. Hehehe. Peace Best Actress! :D

Ayan, tapos na yung masayang bahagi. Dahil nga matagal akong nawala, meron din akong mga realizations. Tipong pauwi ako ng gabi, tas mapapaisip na lang ako sa jeep ng kung anu-ano. At yun nga, ilan sa mga narealize ko eh eto:
  • Mahirap magkimkim ng damdamin. Pakiramdam mo, lagi kang puputok. Lahat nasa isip mo lang at parang wala nang katapusan ang pagsasarili mo. Ang hirap ilabas eh. Pano, nasimulan mo ng magkimkim, eh di linulubos-lubos mo na.
  • Mahirap din makipagkumpetensiya kapag wala kang kakampi. Iisa lang kasi ang paraan para manalo ka - yun eh kapag ang ipinaglalaban mo, IKAW ang pinili.

Ayan. Pagtapos neto, mukhang matagal-tagal na naman akong mawawala. Hehe. Sana di mashado. Haha, labo. Sana lang din, yun. Sana hindi totoo yung hinuha ko... Sana...