pancit canton
Mahilig ako sa pancit canton (at actually kahit anong klaseng noodles, hehe pampahaba ng buhay!). Tas isang gabi, gustung-gusto ko kumain nun. Excited nga ako kasi balak kong manood tas tamang-tama pa kasi pagbukas ko ng tv one tree hill yung palabas.. Kaya ayun! Nagluto ako agad ng pancit canton gamit lang yung mainit na tubig sa dispenser namin (ganyan na ko magluto ng pancit canton ngayon, buhay-lab eh! haha). Tas kalamansi flavor pa yun, kakainin ko sana habang nanunuod. Excited talaga ko! Nakangiti pa nga ko habang hinahanda ko yun eh. Hehe, OA pero walang biro.
Tas naluto rin sha. Pero nung kinakain ko na,ewan ko kung anong nangyari. Parang wala siyang lasa. Naranasan niyo na ba yun? Hindi ko nga maintindihan eh. Basta ang alam ko, hindi siya kasalanan nung pancit. Tas habang kumakain at nanunuod, naiiyak na lang ako. At hindi ko na talaga siya malasahan.
Kainis talaga. Nasayang lang yung pancit. Sana ibang time ko na lang niluto. Eh di sana naenjoy ko pa.
:(

5 Comments:
Baka nalimutan mo ilagay yung isang seasoning (yung powdered). Nangyari kasi sakin yun isang beses habang nasa lab. Nagtataka pa ko bakit bland, tas inisip ko na lang na baka hindi ko na-drain lahat ng tubig. Next day ko na narealize na di ko pala nalagay yung powdered seasoning. Bangag, hehe.
ewan ko ba.. pero sigurado talaga akong nalagay ko naman lahat eh.. hayyy... :)
baka hindi na-drain yung tubig nang maayos. shet. nakakafrustrate nga yan. :(
*hug* :) hihi.
baka ganun talaga marjo :) kelangan tanggapin ang mga bagay-bagay. malay mo hindi pa oras nung pancit canton na lutuin siya tas pinagpilitan mo :D
yun nga rin ang tingin ko teanuts eh.. yun din ang naisip kong dahilan..
hehe :D
Post a Comment
<< Home