first time
Ok lang sa akin kahit gaano ako kangarag dahil sa dami ng ginagawa ko.
Ok lang sa akin kahit halos buong linggo akong walang matinong tulog.
Ok lang sa akin kahit na nung araw na finally umuwi ako ng bahay (at hindi nagovernyt sa eee) eh hindi man lang natikman ng likod ko yung kama ko.
Ok lang sa akin na kahit buong araw computer na kaharap ko sa school, computer pa rin kaharap ko pag-uwi.
Ok lang sana lahat eh...
Pero yung sa kabila ng lahat ng yan, eh mahoholdup pa ako ayun hindi na ok yun! Araw ng Wednesday, alas nuebe ng UMAGA, papunta ako ng UP, nakasakay ako ng FX. Puno na kami sa gitna, pano may sumakay na mama. Mukhang disente, maayos damit, mukhang naliligo naman. Maya-maya, gumalaw siya, akala ko kukuha ng bayad. Pero hindi. Baril pala. Sabay sabi niya "Holdup to! Ilabas nyo celphone nyo... blah blah blah..." And the rest is history. So ngayon, wala akong phone. Oo, yung bading kong phone na maraming nakadikit na mukhang gems. Wala na siya. Hindi ko akalain na isang araw mangyayari sa akin yun. Nanginginig ako sa takot, eh katabi ko pa kasi yung manong. Mura pa sha ng mura dun sa driver, tipong "T*ngin* mo! Ayusin mo pagdrive mo baka paputukan kita jan!" Ahay. Yun lang. At pagtapos ng lahat. Wala na akong nagawa. Naiyak na lang ako. Bakit naman kasi? Sawi na nga ako sa iba't ibang aspeto ng buhay ko tas ganun pa?? Hayy..
At kung sa tingin nyo ok na ko, well hindi. Dahil after ng ilang araw na hindi ko kasama yung phone ko, sobrang namimiss ko na sya... Ang sad pala. Andami na rin naming pinagsamahan nun, andaming pictures dun at messages na pinakatago-tago ko.. Mga phone numbers ng mga taong mahalaga sa akin.. Ayyy... Alam ko in time mapapalitan din yung phone ko, pero nakakalungkot lang talaga..
Naniniwala akong lahat ng bagay may dahilan... Ano naman kayang purpose ng pagkawala ng phone ko??
It better be good.

7 Comments:
tsk tsk tsk... kawawa ka naman. bwiset na mga holdupper talaga yan!
pero teka, ang gulo ng blog mo. nag-overlap na yung text. sadya ba yun to reflect your current situation? yaan mo, maaayos rin yan.
weh...? nakakatakot nga yun... :(
pero at least di ba, okay ka? basta, may kapalit rin yun. kK? :) *hug*
haha!
ate ivy, kainis talaga.. hayy.. tsaka ayan naayos ko na pala.. napansin ko nga ang gulo eh.. :D
ayrie, salamat.. sana nga makita ko na yung kapalit nun..
:D
marjo ube ;)
aba yugs! loko.. at pano mo naman to nalaman? hehe.. :D
naku kawawa ka naman marjonelles.
hehe oo nga eh.. pero mejo okay na ko ngayon. minsan-minsan ko na lang namimiss yung phone ko, at nakakasakay na ulet ako ng fx. haha :)
Post a Comment
<< Home