Sunday, December 23, 2007

bali-balita

So,nalipasan na naman ng mga pangyayari sa buhay ko tong blog ko. Sa dami nang nangyari,ang hirap ng ikwento kasi mahirap na ring iexplain yung feelings na involved. Haha! Dumaan na ang:

1. Team building ng ASIC - fruitful and super eventful (meaning may komosyon)
2. ASIC christmas party - na walang kinalaman whatsoever sa christmas =P (may komosyon din)
3. BiTMICRO christmas party - na matagal na pinaghandaan at well, parang dumaan lang. Eto makkwento ko pa ng maayos kasi kelan lang nangyari.. Ok. (mejo may komosyon)

Hindi ibig sabihin na hindi masaya yung party. Ansaya nga eh! Andaming napanalunan ng ASIC. Nanalo kami sa BiT Duets (yey! *clapclap*), so natupad ang isa sa mga mumunting pangarap ko sa buhay. Hehe. Nanalo rin kami sa BiT Movers (although tied kami at 1st place.. hehe), so nakatikim din kami ni Derick ng first place sa isang dance compet. Yun nga lang,hmm... Hehe basta =) Nanalo din kami sa presentation (2nd place naman to), at super galing talaga nila Regie! ASTIG! Winner sila lahat sa acting at sobrang benta ng mga patawa! Tas to think na ilang araw lang yung practice nila ha! Shempre,winner din ang mga nagvoice over at tumulong sa paggawa ng script. Kaya sa buong ASIC, clapclapclapclap! Parteh ulet!! =)

WARNING!!! Ang mga susunod niyong mababasa ay dala na ng emo mode:
Yoko na dapat neto eh,pero kelangan ko lang malabas..
Nagdecide ako tungkol sa mga bagay bagay. Pinili ko yung option na naisip kong dapat. Nagmatigas ako eh, ayoko ng suggestion niya kasi naisip ko pag ganun, mauulit lang lahat. Akala ko magiging madali. Lalo na kasi sinuportahan niya yung desisyon ko. Dapat maging masaya ako. Pero hindi. Ang hirap hirap pala. Hindi ako sanay na ganun sha sakin. So after ilang araw, im still miserable.

Sabi ko nga, im miserable both ways. So bakit ko ba pinagpipilitan na dun ako sa miserable all the way when i can choose the other misery na may kasamang konting saya..? Hindi ko kinaya. Nung una akala ko withdrawal lang. Tas ganun din pala sha. So after a few days, at isang matinong usapan, we're trying it his way.

I dont know how it's supposed to work, or how it's going to help us get a hold of our feelings. Masaya nga sha, most of the time. Pero pag ako na lang, napapaisip ako. Yan kasi pasttime ko. Segue: Sabi ko nga ke tatang dati feeling ko isang araw mababaliw na lang ako sa kakaisip. Hehehe. Ayun,anyway. Wala lang. Hanggang ngayon, naguguluhan pa rin ako. I dont want to be THAT person. And i know i should use my head. Madali lang kasi mashado sabihin. Pero sobrang hirap gawin. Sana kasi wala na lang komosyon..

Tenen!!
Basta basta.. Kurisumasu omedetou!
Sana maging masaya ang buhay sa darating na taon.
*mwahness* ebribadi!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home