dream come true (again)
Isa na namang pangarap ko ang natupad! =D
Gabi ng kalanguan at bonding kasama ang mga ofismates na unti-unti nang naging close friends. Ang venue - Nach-o Fast sa loob ng Bonifacio Global City. By day, isang simpleng kainan to. Pero by night, nagtatransform na sha. Dumarami ang taong nag-iinuman para cguro makalimot sa mga problema, or dahil lang gustong lumabas at magsaya. Tulad namen. Hehe =)
May tumutugtog sa harap. Background music kumbaga. Background music na masarap sabayan. Habang lumalalim ang gabi, napapasarap ang usapan. Bumalik ang kantyaw at mga sigaw: Marjo! Marjo! Marjo! At sabi ko nga, dahil ata sa nainom mas madali akong naakit ng mikropono at ng "stage" (kahit wala namang stage). Punta na ko sa harap, hinatid pa ko ni Lei. Ang una kong nasambit sa babaeng singer pagdating ko sa harap:
"Nahihilo na po ako.." Tawa sha. Pero wala nang atrasan.
At naka-dalawang kanta ako. Haha! Dream come true. Ulet. Pero mas totoo ngayon. Yung mga dati kasi, para sa org, para sa contest na dala ang pangalan ng org, at ginagawa yun sa harap ng audience na ang karamihan ay orgmates. Ngayon, isang table lang ang mga kakilala ko dun. Well, isang mejo malaking table hehehe. Pero ang punto pa rin, yun na.
Masaya. Tsaka napansin ko na cute yung keyboardist. Yun nga lang parang cute lang sha pag nakainom na ako. Hahaha.
=P
0 Comments:
Post a Comment
<< Home