Saturday, October 25, 2008

komosyon

Yaps, nagkaron na naman ng komosyon.
At yaps, kasali ako. At iba pang tao.

Pero for the record, hindi ako ang kumomosyon. Nananahimik kami. Actually kahit nung natapos na yung pangyayari nanahimik ako, kasi iniisip ko na tapos na at naiwan na dun ang lahat. Kahit ipagtanong niyo pa, iilan lang ang nakakaalam ng kwentong yun. Pero minsan, hindi pala umuubra ang pananahimik. Minsan kelangan pala magkalat ng kwento, para lumabas yung TOTOO.

Ang hirap sa ibang tao, todo react agad sila. Todo chismis. At todo baling ng sisi at init sa mga tao na wala naman talagang kasalanan. Hindi nila naiintindihan, kasi wala silang alam talaga. Pero kahit wala silang alam, hindi sila napipigil sa pagdadada. At ang masaklap pa, hindi na nahiya yung totoong may kasalanan. Ni hindi man lang ata nageffort na tamain yung maling alam ng mga kasama niya.

Anyway, wala lang. Idealist ako talaga eh. Dati. Gusto kong magstay that way, pero mahirap pala kasi maraming bagay nagshshake ng idealism mo. Sa nakaraang isang buwan lang, dalawang solid na bagay ang nagbigay sakin ng dahilan para magmuni-muni lagi. Sobra akong distracted. Pero sabi nga ng isang kasama, wag mashadong magpadala sa mga ganung bagay. Tama nga siguro sha.

Pero, yun yung isa sa madaling sabihin pero napakahirap gawin.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home