Saturday, March 24, 2007

ang "mahiwagang araw" ay dumating na.. at natapos :D

Tapos na!!!!
Tapos na 198!!!

Shucks. Akalain mo. Parang after 20 years, after ng lahat ng kakulangan sa tulog, sa oras na ginugol sa pagsimulate at pagdocu, sa pagharap sa pc maghapon, sa pagtatago at pagiging invisible, sa stress and all, natapos na din. This is it. This is really is it. Haha.

Kanina yung final presentation namin, tas complete attendance yung panel. Naks. Tas may dumating din na isang faculty na hanggang ngayon hindi pa rin namin alam yung pangalan. Hehe. Tas hinihintay pa muna yung isang panel member na dumating so nagkaroon kami ng time para mejo kabahan dun nga sa presence ng teacher na di namin kilala.

"Sino kaya yun?"
"Bakit sha nandito?"
"Eh ano naman kayang alam niya sa project naten?"
"Huyy... Kinakabahan na ko.."

Haha,parang ganyan yung mga usapan namin sa 10minutes na pinaghintay namen. Anyway, ok naman yung presentation namin mismo kasi nakadalawang mock presentations na kami. Tas nung tapos na kami magpresent, questions from the panel.

Panel Member 1: So yung sinabi niyong task not accomplished niyo, bakit hindi niyo nagawa?
--> Keri lang to, alam na namin yung isasagot dito. May mga iba pa shang follow-up questions pero ok na rin.

Panel Member 2: You wrote here in your documentation that both linear settling and slew rate affects the performance of your integrator. So what is linear settling? How do you define that?
--> Mejo nagtagal kami sa tanong na to kasi naconfuse si Tanya. Ang pumasok sa isip niya agad eh linear settling TIME na di namen maexplain. So parang try try lang sumagot ganun haha! Naalala ko yung mukha ni Tanya eh.. Tas nung hindi pa rin ok dun sa tanong na yun, at narealize ko na nga yung confusion na nangyayari tumalikod na ko sa audience tas harap ako kay Tanya sabi ko..

"Tanya, ok lang yan. Relax. Ang tinatanong ni Sir eh linear settling at slew rate. Hindi linear settling TIME."

Tanya: Ah! Yun ba! Alam ko na..

At yun, inexplain na nga nya. Hehe.
*Sorry Tanya, di kita natulungan talaga agad sa pagsagot..*

Panel Member 3: Yung filter niyo is low pass right?
--> Yes, sir.
Panel Member 3: Navalidate niyo ba kung yung mga nakuha niyong coefficients eh para sa lowpass filter talaga. Nagtry ba kayo kunwari may 2-tone tas yung isa nasa passband blah blah..
--> Actually, hindi talaga namin natest na ganun pero yung function sa MatLab eh yun naman talaga yung ginagawa tsaka naging ok naman yung reconstruction namin nung sine at BPSK inputs so yun. Pero ok na rin to.

At ayun na nga. Sa ngayon, mukhang ok na naman ang lahat. Final docu na lang!!!! Weeeee!!! At least maaasikaso naman namin yung design problem sa 113. Hehe. Pero nakakatamad pang gumawa eh, parang ansarap magpahinga todo :D Marathon na ito!!

Astig talaga. Astig ng MaTaLeino group. Dabest! Yeyeyebah.

P.S. Godbless pala dun sa mga nadelay ang 198 presentation! Go go go Geof! Go go go Jhongkiks! Go go go Monde! Ay tsaka eto pala yung title ng project namen...

ZigBee-Compliant Fully-Integrated Delta-Sigma Analog-to-Digital Converters Implemented in 0.25um CMOS Process
Cool no? Andaming dashes sa title. Hehe.
=)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home