Thursday, June 01, 2006

telenobela atbp.

Grabe,tapos na rin ang TALENT SHOW at malapit na enrollment. Haha! Ansaya pala ng hindi agad natutulog sa mga okasyon tulad ng TS kasi nawiwitness mo mga kaungasan ng mga tao,hahaha! Asteeeegggg!!! Tas ansaya pa namin ni Arlan kasi ginawa namin yung tapunan ng tubig sa mukha dun sa Bituing Walang Ningning! Yung ginagawa after nung line na "You're nothing but a second-rate trying hard copycat!" Complete with acting pa! Haha,at hindi lang isang beses. Nakatatlo ata kami sa bawat isa. Shet,isa na namang dream ko ang nafulfill. Kaya naman... SALAMAT ARLAN!!! Isa kang tunay na kaibigan! Hahaha,takte.

***PROLOGUE:
Iisang metro
Ngayo'y libu-libo
Tila wala na ngang pag-asang
Kailanma'y mapalapit pa.
***
Noo'y di naman kita tipo
Pano dati'y may ibang gusto
Pero napansin din ang iyong kisig
Putek,talagang nakakakilig!
(Oops,hehe...)

Lagi kong winiwish
Na lagi'y masulyapan ka (lagi-lagi talaga!)
Ngunit pag andyan na
Takte,di naman makapagsalita!
(Ahayy,anukayayun...)

Di naman sa sobra akong lovestruck
Hirap lang talagang magmake ng eye contact
Pag malayo ka kasi'y sobra mo nang gwapo
At pag malapit pa,ay panalo!
(Arrribaaaa!)

After a few days tayo nga'y naging close
Mula small talk nagshare na rin ng conversation
Hindi ko inakalang pilyo ka't loko
Kahit puge ka kasi minsa'y mukha kang seryoso.

Ngunit di naglaon aking nalaman
Puso mo pala'y mayro'n nang nilalaman
At MAHAL na MAHAL na MAHAL mo siya
Hay,ang swerti naman niya...
(Ang bruha!!)

Hindi ko alam kung mas masaya nga ba ako noon
Nung mga panahong akala ko may pag-asa pa ako sa'yo
Sana nga ba di ko na lang nalaman ang totoo?
Eh di sana excited ako sa pagpasok ng Hunyo...

Pero di na rin naman magmamatter anuman feelings ko
Kailanma'y di mo na malalaman ang mga 'to
At pagbalik mo para sayo'y wala namang nagbago
Ako pa rin (AT NA NAMAN) ang kaibigan mo.

=)

6 Comments:

Anonymous Anonymous said...

yow, yow, yow!!!!
asteeeg nung tula hehe :)

hmmm.

hahhaaa :p

9:28 PM  
Anonymous Anonymous said...

(haha obvious kung sino ako) oy marjo ang senti naman ng iyong poem. :)

6:35 PM  
Blogger marjo said...

haha,senti ba?? salamat sa inyong mga komento... :) dala lang yan ng mga kachuvahan ko sa buhay haha!

4:28 PM  
Blogger chanda said...

asteg naman ng tula na yan!

2:23 PM  
Blogger marjo said...

salamat salamat...
haha! feel na feel! :D

9:55 AM  
Anonymous Anonymous said...

I have been looking for sites like this for a long time. Thank you! pharmacies credit cards vicodin archives texas lottery past results Consumer auto refinance Firestone destination tires Acer 9500 battery real estate listing Agusta sports wear Irrational behavior due to klonopin

9:11 AM  

Post a Comment

<< Home