Wednesday, March 29, 2006

mga lalaki sa buhay ko


Sabi sa psych101 class namin, ang attraction daw eh nagsisimula sa familiarity. Kaya nga madalas eh nagkakagusto tayo sa mga tao na average looking lang (pero very likeable) kasi pag average looking eh may air ng familiarity. Siguro kaya rin ako "nagkagusto" sa mga lalaking to. Eh pano naman, lagi kong pinapanood kaya sobra na silang familiar! hehe :) Pero in fairness, para sa akin ampupuge talaga nila! Woohoo!





Eto si HYUN BIN. ampuuuugggeee!!! Tas may dimple pa sha. Hehehe :) Sha yung lalaki dun sa Kim Sam Soon at ang pangalan nya dun eh Cyrus. May-ari sha ng restaurant tas astig kasi marunong shang magpiano. Wahaha! laging asar-talo si Sam Soon sa kanya. Ewan ko ba, feeling ko kasi, although bonus na sobrang sweet yung lalaki, mas gusto ko pa rin yung hindi sha natatakot na asarin at kulitin ako ganun :P





Ah eto, si Chad Michael Murray. Hottie talaga. Sha yung partner ni Hilary Duff dun sa Cinderella Story. Ewan ko ba kung anong meron dito sobrang naggwapuhan ako sa kanya. Siguro dahil ang sexy ng mga mata niya (yesss, sexy! Hahaha!) Smouldering look kumbaga… (naks!)










Eto ang "22nd century man"! Hehe. Nagppay-off din pala yung panonood ng mga "mature" shows sa Disney Channel! Eto si Ricky Ullman at sha ang star nggggg.. Phil of the Future!! Parang boy-next-door type naman yung cuteness nya para sa akin. Tsaka hindi sya nakakasawang panoorin, tas pag nagsmile pa sha, ay panalo! Tsaka ano, hehe. Wala lang :P



Carmine Giovinazzo – CSI New York (tama nga ba?) Anyway, dun kasi sa CSI eh may glasses sha tas laging nakacoat, long sleeves, tas nageexamine ng mga ebidensya sa buhay. Yun yung gawain nya. Kaya parang nerdy cute sha. Natuwa nga ako jan sa pic nya na yan kasi parang ibang iba yung look nya – verrry sexxxy! Wacha! Bwakanang! Hehe :D




At shempre, si Ryan Seacrest - host ng makabagbag-damdaming American Idol. Yun na. Sayang, may asawa na siya diba?
Hayyy.




Andami talagang pogi sa mundo. Mahal ko na ata sila. Nyahaha! Asa pa! :) Pero shempre,kahit gaano pa kagwapo kung epal naman ugali, ay gudlak pa rin.

So yun na. Cuteness in the world. More to come :)

Saturday, March 04, 2006

nostalgia


hinahanap ko yung mga past constiquiz papers sa ilalim ng kama ng kapatid ko kanina. tas may nakita akong plastic ng mga kung anik anik na kapapelan so sinilip ko tas imbes na yung mga hinahanap ko yung makita ko eh mga dating papers at notebook ngayong college yung mga andun. mga notebook na puno ng doodles,drawing ni polo bilang Oble na taga-bundok at "pride ng Mindoro",mga love notes(haha!),mga literary chorva ko,pati na rin yung sagutan namin ng sarili ko sa kabaliwan moments ko.

naalala ko tuloy na dati,sobrang outlet ko talaga yung pagsusulat. kahit anong notebook ko dati siguradong may parang journal entry at kung anu-anong mga biglaang realizations. pati PC ko,bago sha tuluyang bumigay,may mga kuwentong gawa ko na mostly eh hindi naman din tapos. pero natigil na lang bigla,siguro napagod na din ako. at kasabay ng pagod,eh may mga aspeto ng sarili ko na nawala sa akin. ang nostalgic tuloy. naiisip ko,madami na pala akong gustong balikan na moments ng buhay ko.

GUSTO KONG BUMALIK SA PANAHONG...

* may 7am class pa ako at kaya ko pang maunahan yung teacher ko sa pagpasok
* tumatambay pa ako sa AS,dun sa may poste sa tabi ng xeroxan kasama yung mga close friends ko nung high school
* nagcoconsultan kami nina mond ng schedule tas pinipilit talaga naming maging magkaklase
* may nagbibigay at binibigyan pa ako ng kopya ng schedule
* umuuwi ako ng may kasabay hanggang bahay namin
* may large class at discussion class pa ako,tas magkakatabi pa kami nina mond,dyugs at polo
* wala akong mashadong iniintindi
* nagEnglish1 ako,tas bwisit na bwisit ako dun sa groupmate ko na lagi akong inaasar (tas kakilala pala yun ni katkat,akalain mo!)
* nagPhilo11 kami tas 7am yung class tas maaga kami pumapasok pero laging absent yung prof namin (si sir caguisano hehe)
* nagChem kami,tas gumawa kami ng ice cream sa lab,o kaya nagbibida bidahan sina lucky sa lec
* adik pa ko sa Warcraft at nakakapaglaro pa ko nun tas galing lunch break eh nalalate pa kami nina jayjay sa math kasi galing kaming laro
* bigla na lang kaming nagkayayaan magBatangas kasi may kotse si drew,pero sa Baywalk kami bumagsak tas nanlibre si allan ng inom,barbecue at crispy pata! yes naman,minsan lang yun eh. sabi namin babalik kami pero di na naulit..
* kaya ko pang makauno kung magseseryoso ako

hindi ko alam kung bakit ngayon bumabalik sa akin yang mga yan. malamang dala ng mga notebook ko,o dala na rin ng maraming bagay na gumugulo sakin ngayon. kasi dati mas simple pa,mas madali magdesisyon. nakakamiss lang cguro.

"Save me from this prison...Cause only you can save me now from this misery..
How far is heaven?"