Sunday, August 12, 2007

ayiiiiiiiiiii!

So marami diba?? Pero may dadating na isa tas yung mga iba na dati mong pinakakaisip, mawawalan ng saysay sayo. Parang lahat sila biglang hindi na mahalaga. Haha. OA ako kung OA. Fine! Ako na ang OA. Mashado lang ata akong in love sa idea ng pagiging in love. Ewan ko. Pero anong malay naten? Camon! Ako ba ito? =P

Siguro sa ngayon, masasabi kong i'm "IN LIKE". Ayan ha, shempre hindi in love. Kasi nga hindi naman ganun kadali yun. Tsaka hindi ko sha kilala, tipong physical pa lang. Physically, type ko sha. Haha. Pero hanggang dun na nga lang yun. One-way eh =P Tenen!!! Kamusta naman diba??!?! Ahahahaha!

WAIT WAIT WAIT! Anong KAUNGASAN itoooooo???? Hahaha. Wag nateng bigyan ng kahulugan lahat ng nasusulat dito. Mga wishful thinking lang sila.. Eto na lang. Yung mga factual na nga lang kkwento ko..

1) Masaya ako na umulan na after ng matagal na pagdadasal ng mga tao (kasama ako in fairness). Pero potek talaga! Mahirap ang nakatira sa Espana! Nung tuesday, paglabas namen ng office, wala. Hindi kami makauwi! Sobrang lakas ng hangin pati ulan! So andun lang kami sa may labas ng building namen, naghihintay ng sasalba samen.. Hahaha. Buti na lang andun yung mga taga-ASG! Ayiiiiii! So andun ang aking crush.. Wahehehehe! Haaaay.. =P Tas yun dumating si Sir Cyrill tas nakisabay kami sa kanya.. Tenen!!! Salamat Sir Cyrill!!! =D

2) Kinabukasan, naghanda na ko para sa gyera. Nagdala ko ng overnight stuff para kung anumang mangyari,pwede akong sa office na lang matulog. Nung uwian na,buti na lang nagtext saken si Monde sabi niya.. "Baha sa espana. Grabe." Kaya ayun! Overnight na lang ako. Pero dahil ang sad naman ako lang sa aking group of friends ang magsstay sa office, kina lei na lang ako nakitulog.. Yehey! =)

3)
- "Talaga talaga?? ambait ah!"
- "... bait ka din naman eh."

Ayiiiiiii! =P

Nyahahaha! Oy,makatotohanan yang mga yan ha! Pramis :D

Hahaha. Wala na. Lumilipad nako. Ang hirap kasi magpigil eh. Pag hindi mo nakikita,madaling ayawan. Pero pag anjan na sa harap mo tas nginitian ka (pamatay pa naman ngiti niya! kkkkkkkk!) wala na.. Haaaay. Wala shang kailangang sabihin. Ayiiiiiii! Hahaha,kinilig =P

Ankyut.

It's getting uncontrollable, i'm starting to hate it
But my thoughts just stray, i really can't help it
One second i'll be reading about DMC
Then suddenly i'm thinking about him and me.
.

Nyahahaha! :D