Tuesday, April 25, 2006

kangaragan

Apat na gabi na akong hindi maayos ang tulog.

Takte yan! Pano ba naman, umalis sina mama nung friday para magbeach so ako lang yung naiwan sa bahay. Eh ayun hindi ako makatulog kasi natatakot ako. Hehehe. Kaya madaling araw na talaga ako nakatulog (mga 3am na cguro), tas bukas ilaw pati radyo! San ka pa?!

Eh tas kinaumagahan nun eh magmmeet kami nina mond ng 6am sa mcdo qave kasi may lakad kami. Kamusta naman diba?? 6am?? Haha,shempre late ako.. Pero mas late pa din si allan! Yey,buti na lang!

So overnight kami sa batangas at shempre dahil outing yun,mejo late na naman ang tulugan. Hehe,yun nga lang ako yung unang nakatulog. Andami pa palang nangyari na hindi ko na nadatnan kasi bagsak na ko dun sa banig na nilatag namin sa may beach :D Eh di yun na nga,balik kami dito sa manila ng sunday ng mga hapon tas naglaro muna kami ng poker sa sunken ng hanggang mga 7pm (kung saan AKO ang nanalo! woohoo!). Uuwi na sana ako,pero nalaman kong wala pa ring tao sa bahay kasi monday pa pala babalik sina mama. Anong say mo,todo lakwatsa nanay ko! Hehe. Anyway,napagpasyahan kong kina katkat na muna makitulog kasi nga hindi ko na kayang mag-isa sa bahay.

Eh di punta na ko sa kanila,tas late na naman kami natulog kasi nag-aral pa kami para sa PI exam namin kinabukasan. Tas nung tulugan na,hindi na naman ako makatulog kasi ala din akong kasama sa kwarto kina katkat kasi dun sha sa mama niya natulog. So tadaaa! ngarag na ngarag na talaga ko nun. At kung akala nyo eh nakapahinga na ko pagtapos nun,you're definitely wrong! SOOO WROOONG!!

Sapagkat may report kami kanina sa PI so kinailangan naming mag-overnyt kina mama mei. At shempre,dahil kagabi pa lang ako nagbasa, ayun na! Halos wala kaming tulog! Literal talaga! Ako,siguro mga at most 2hrs lang kabuuang tulog ko. Hanggang ngaun. Syet. Tas hindi pa ko nakanuod ng Sam Soon kagabi :( Tas bukas may exam naman kami sa ENVISCI. Jusko! Wish ko lang makaaral ako at magising ng maaga bukas.

Buti na lang may inspiration ako... hehe. Puge.
:)

Wednesday, April 19, 2006

summer na!

Yahoo! Natapos na rin ang 2nd sem at in fairness, salamat kay Lord, pumasa akong CE22 at ECE141! Yebah yebah ever!!! Hahaha. Pero takteng CE yan,tres yung pre-final grade ko. Tas sa sobrang kasiyahan ko na malamang pasado na ako eh di hindi na ko nagfinals. Tas sina geof nagfinals pa rin. Tas malaman laman ko na yung finals eh multiple choice na 15 items tas kung makakababa pa sa grade mo yung resulta nun eh hindi na sha icoconsider. Ayun naman diba. Takkkttiiiii!! Yun ang tinatawag na sayang na kabute. Grrr.

Anyway,ayun na. Yung ece141 naman eh sobrang umaasa na lang ako na magpapafinals pa si Doc M. Pero,akalain mo,pagtingin ko sa CRS,pasado na pala ako!!!! Woohoo! Haha,at 2.75 pa ang grade ko. Hehehe. Ansaya talaga. At least naman,kahit nagdrop ako ng coe115 eh pinasa ko naman lahat nung natitira kong subjects... Mabuhay! :)

At ngayon,nagsimula na ang summer classes. 6units ako,ENVISCI at PI100. At di pa natatapos ang first week eh puro na kalokohan ang mga nangyayari.... Eto...
  • Kilala nyo ba si MARCIANO H. Del Pilar? Ay kung hindi,tanong nyo si katkat.
  • Alam nyo ba na ang tawag sa baboy na nakasakay sa mercedes ay PORK 'N BENZ?
  • Eh alam nyo ba na yung mga baka sinasaksakan ng mga growth hormone pampalaki ng boobs tas dahil sa sobrang laki sumasayad sa lupa eh di nagkakasugat tas pag ginagatasan na sila may kasamang PUS o nana kaya ang tawag sa gatas na yun ay PUS-TEURIZED milk!!

Aba aba diba? Ilan pa lang yang mga yan. Takte,dun sa pangalawa at pangatlo,kung di nyo pa alam yung mga yun eh tanong nyo na lang sa prof namin sa EnviSci. Adik talaga,tas kawawa yung Russian naming classmate kasi lagi na lang niyang binababoy yung pagkatao. Haha. It's going to be a long zummah...

Monday, April 03, 2006

don't stop me now

ece 141 na lang, at tapos na officially ang sem na ito.

QUICK RECAP OF THE PAST SEM
  • nagdrop ako sa coe 115 (hindi pa alam ng nanay ko..)
  • member na lang ako ng erg.
QUICK FORECAST OF THE NEXT SEM
  • suspended dost ko (sana lang may tuition pa rin..)
  • pero,head naman ako ng dagitab. (go acads! ipaglalaban na kita promise!)
Pero shempre,hindi ko kayang biguin ang erg.
Kahit naman sino,pipilitin kong hindi biguin. Pwera lang sarili ko.
Yak,drama? Haha,hindi bagay.

"Tonight.. I'm gonna have myself a real good time
I feel ali-i-i-ve
And the world, I'll turn it inside out yeah
Floating around in ecstasy
So, don't stop me now
Don't stop me
Cause I'm havin' a good time
Havin' a good time..."

Hay. Gusto ko namang mafeel yan.. Tipong "don't stop me cause I'm havin' a good time" ang drama. Yung wala ka na munang pakialam kahit ano pa mangyari basta magsasaya ka.

Kelan kaya?