Thursday, November 23, 2006

[dedicated to] dedix


Ang tagal ko nang walang post. Pero sa ngayon,wala pa kong oras magkwento ng todo. Kaya ang post ko na to ay dedicated para kay Monde.


Monde, this post is for you.

Nabasa ko na nga pala yung recent blog entries mo. I don't know what to say. Alam ko sinasabi ko sayong tigilan mo na ang kahibangan mo pero after reading your entry, I don't know anymore. Siguro nga tama yung sabi mo na hindi man kayo meant to be ngayon,baka some other time, maging destined na kayo for each other. Hayy.

At dahil nageffort na rin akong magpost, eto na lang idadagdag ko.

Nais kong sumulat ng awitin para sayo
Ngunit sa tuwing sinusubuka'y talagang nabablangko
Sa panaginip nga'y laging naron ka
Ngunit bakit di maipinta
Ang aking nadarama
Sa mabubulaklak na salita?

Nais kong maging mayamang tulad mo
At nang kahit pano'y maging magkamundo
Di na kasi maisip
Kung pano makakalapit
Upang iyong mapansin at mabigyang-tingin.

Ang tangi ko lamang nais
Ay maging iyong kaparis
Yung maaari mong tawagin
Kung may suliranin.
Kung di mo na kaya
Pupuntahan kita
Aaluin.
Yayakapin.
Hanggang sa muling lumigaya.
:P