Tuesday, May 01, 2007

ewan ko ayaw ko na hmm


Nangyari na ba sayo yun? Yung tipong isang araw na lang nagising ka tas biglang ganun na. Hindi mo alam kung pano nangyari, at kung BAKIT. Basta ganun eh, hindi talaga maipaliwanag. At yun yung pinakamasaklap sa lahat. Ayaw mo naman, wala namang history, pero isang gabi narealize mo na yung nung umaga, yun pa din yung nung hapon, hanggang dinner at hanggang bago ka matulog. Tas hanggang kinabukasan, at maging 3 days later (which is yung binigay mong deadline sa sarili mo).

Dahil nga ganun, inextend mo yung deadline. Pero after a week, yun pa din. Shetters na. Alam mo naman kasing walang mangyayari, at hindi mo rin gusto yung pakiramdam na kahit wala kang ginagawa yung isip mo eh occupied ng ganung bagay. Kaya pipilitin mong itigil na, magpapakabusy ka na ng totoo. But it still won't work. Potek na. Second option: Alamin ang totoo para masaktan ka na at makamove on. Pero hindi ganun kadali. I mean, ang pag-alam ng totoo ay mahirap. Dahil iririsk mong malaman ng iba ang totoo tungkol naman sayo. Kung bakit ka nangungulit, kung bakit ayaw mong tantanan.

Next option: Meron pa ba?
Malay ko. Hanggang option2 pa lang ako.