Sunday, November 18, 2007

gabing wasak

Well actually,hindi yung gabi yung wasak kung hindi kami ni Lei. Haha. Basta,more on that later.

Baby come back - carrier single ng soundtrack ng buhay ko (according to derick)
"I have to go.." - most famous line ng buong pangyayari
Kwentuhan - feeling kong mas bagay na carrier single kesa sa Baby come back hahaha =P

So, last Friday, may inuman. Nagpunta kami dun nina Lei (kasama nina Te Cinds, Dyason, Te Net, Derick at Clem na first time sumama) after ng practice at after magdinner (mga past 9 na to..) Tas yun. Ang saya nung umpisa, sayawan kami, inuman ever. Tas etong si Ginoo nirequest pa yung Because of You by Ne-yo. Haha! Ayun na! Asa may bandang likod kami tas ang gulo namen! (as usual =P)

Pero yun biglang CRASH! Haha! Ewan ko kung anong nangyari,pero alam ko si Dyason talaga nagtrigger eh. Hahaha. At sa mga nagtataka po,hindi ko rin alam yung dahilan. Pramis. Tas parang yun na yung naging highlight ng buong gabi namen ni Lei. Hehehe. Tas balik ofis,at kwentuhan hanggang umaga. May konting tulog din pala. =)

Supposedly masaya. Masaya naman talaga eh. Pero ewan ko,ang weird. Parang hanggang ngayon dala ko pa rin yung mabigat na feeling nung gabing yun. Ah,ngayon kasi pala,meron na akong naiisip na rason kung bakit andito pa rin yung feeling. So i guess,hindi na sha ganun ka-weird. Hehehe,labo. Basta yun. Salamat sa mga bossing sa painom na yun. At special mention kina Sir Edz, Sir Geck at Sir RickyN na andun hanggang makasakay kaming taxi pabalik ng ofis. At salamat shempre sa mga dakilang nag-alaga sa mga babaitang lashing. Hehehe.

Nahanap ko na nga pala yung isa pang Sugarfree na CD ko! Yebah!! =) Tas tinitingnan ko kanina,tas etong kanta na to feeling ko yung bagay. Derick,basahin mo talaga yung lyrics.. =P

KWENTUHAN

Kanina pa tayo magkasama
Umaga na pala
Maya-maya lang ay may araw na
Kahit tayo'y pagod
Buong mundo ay tulog
Ikaw at ako
Dire-diretso lang na walang pakialam

Kwentuhan lang wala namang masama
Oh usap lang, ibaong muna sa limot ang lungkot

Tatawa tayo, sabay seryoso
Unti-unti kang nakikilala
Ang sarap sarap mo palang kasama
Dati kasi tahimik ka lang palagi
Ngunit ngayong gabi
Parang kay rami-rami mo nang sinabi

Kwentuhan lang wala namang masama
Oh usap lang, dahil gusto kitang makilala't makasama

Umaga na, tulog ka na
Ang himbing mong managinip
Ang sarap-sarap mong umidlip
Uwi na kaya ako?
O dito muna siguro
Samahan muna kita
Dahil parang ayaw mong mag-isa

Samahan ka, wala namang masama
Kung samahan ka
Hanggang lungkot ko'y makatulog din...


hmmm.. =)

Saturday, November 10, 2007

tapos na.

yehehehehehey!!
tapos na. congrats sa mga bagong engineers! =P

naalala ko nung wednesday ng gabi, kabadong-kabado talaga ko. nung paalis ng office naiiyak na ko wahahahaha. OA. nde, seriously sobrang hindi ako mapakali namiss ko tuloy ang concert ni mareng beyonce (pero derick, tinext din talaga ko ng tatay ko promise..). hehe. tas yun bandang 11pm, nagbalita na si lyand. pasado na kameee! i was so happy, as in. nagsisigaw kami ni mama sa bahay. hahaha! tas yun ang saya-saya. afterwards, hindi na ko makatulog. hay. buti talaga nakalusot =D

tas may "handa" nung hapon ng thursday sa pantry. in fairness, nasurprise talaga ko kasi si dyason acting na acting =P yon. ansaya. haha,wala na kong ibang masabi kundi masaya, ansaya, saya-saya. hehe =)

and now, everything's back to normal. well,at least almost everything.
balik office na ko.
free na ulet weekends ko (yehey!)
nakita ko na yung isang cd nung sugarfree album kong nawawala.. (pero yung isa di ko pa rin mahagilap)

pwede na ko mag-aral ulet ng iba! yung masaya naman. hehehe.. pero iipon pala muna ko. pero tara aral tayo! nihongo, kanta o drums?
hmmm.. =D