Thursday, December 25, 2008

isang pagbati

Happy Merry Christmas sa lahat!

Malapit na rin matapos ang taon, pero saka na yun.
Sabi nga ni Elsbeth, ngayon officially open na ang paglamon at paglimot sa pagdadiet.
Kainang walang patid.
Pabusugan.
Palakihan ng tiyan.
Patabaan na nga lang daw sa pasukan eh. Hehe.
Ayus yan! Walang matatagtag sa FBX-Verif. Mukhang lahat eh papasok pa rin sa minimum weight limit. Teneeen!

May kakaibang feel ang Pasko ngayon.
Masaya naman pero ibang saya.
Hindi sayang "weeee! yipeee! ang saya-saya!"...
kundi "masaya sha. *smile*"
Tsk tsk.. tumatanda na ata ako.
Nah.. hindi rin! Haha,ayaw talaga tanggapin eh.. =P

Ah basta,sa lahat ng napamaskuhan ko (kitams,bata pa talaga ko! hehehe)..
At sa lahat ng mapapamaskuhan pa (nyahaha!)..
Ambabait ninyo tenkyu! ^__^

MERII KURISUMASU!
*mwahmwah*

Saturday, October 25, 2008

komosyon

Yaps, nagkaron na naman ng komosyon.
At yaps, kasali ako. At iba pang tao.

Pero for the record, hindi ako ang kumomosyon. Nananahimik kami. Actually kahit nung natapos na yung pangyayari nanahimik ako, kasi iniisip ko na tapos na at naiwan na dun ang lahat. Kahit ipagtanong niyo pa, iilan lang ang nakakaalam ng kwentong yun. Pero minsan, hindi pala umuubra ang pananahimik. Minsan kelangan pala magkalat ng kwento, para lumabas yung TOTOO.

Ang hirap sa ibang tao, todo react agad sila. Todo chismis. At todo baling ng sisi at init sa mga tao na wala naman talagang kasalanan. Hindi nila naiintindihan, kasi wala silang alam talaga. Pero kahit wala silang alam, hindi sila napipigil sa pagdadada. At ang masaklap pa, hindi na nahiya yung totoong may kasalanan. Ni hindi man lang ata nageffort na tamain yung maling alam ng mga kasama niya.

Anyway, wala lang. Idealist ako talaga eh. Dati. Gusto kong magstay that way, pero mahirap pala kasi maraming bagay nagshshake ng idealism mo. Sa nakaraang isang buwan lang, dalawang solid na bagay ang nagbigay sakin ng dahilan para magmuni-muni lagi. Sobra akong distracted. Pero sabi nga ng isang kasama, wag mashadong magpadala sa mga ganung bagay. Tama nga siguro sha.

Pero, yun yung isa sa madaling sabihin pero napakahirap gawin.

Sunday, September 07, 2008

concert number 1

Tagal na neto pero di ko pa nakkwento!

Dumating dito sa Pinas ang isa kong papa last July.. At shempre hindi ko mapapalampas ang panunuod ng concert niya nung July29! Ang aga nga namin bumili ng ticket eh, haha. As in months before pa. Tas tipong nagcountdown ako sa status ko sa aming intra-YM a month before the concert day. Waaaaaah!! Haaaay.. By the way, eto nga pala pic niya..


Waaaah! Ampuge! Everyone, meet Chris Daughtry..
and his band. ^_^


Pero promise, try niyo pakinggan music nila, magagandahan din kayo. Maganda tunog, maganda lyrics. Hindi ako biased! Hehehe.

Anyway, balik tayo sa aming experience ni Elsbeth.

AUTOGRAPH SIGNING

Ang aga talaga namin umalis ng office kasi nalaman namin na may autograph signing para sa first 200 people na darating dun. Lunch time ng araw na yun bumili akong album para lang makapagpapirma. Nagpunta pa kong Market para bumili, pero wala na daw sila! T_T So tinawagan pa namin sina Lei (kasi nasa SM sila that time) para magpabili. Ayun! Nakabili naman.. Tapos, eto matindi! Pagdating namin sa venue ng autograph signing, kelangan dun ka bumili ng album para makapasok.. Camon! Shempre, bumili pa rin kami. Bwahahaha! Adik talaga. =P

Akyat na kami. Tas dapat daw isa lang yung papirmahan na album - one person, one copy lang. Eh tig-dalawa kami. So tinago ko muna sa bag yung isa.. Tas ayan na, palapit na kami ng palapit.. Shet! Sobrang nastar-struck talaga ko. Kinamayan ko silang lahat!! Mukha siguro kong tanga, sabi ko pa.. "Hello.. hello.. " tas sabi ko dun sa unang member, "Hi.. Can you also sign my friend's album for me..? (sabay labas nung extra copy ko)" Bwahahaha! Wala nang nakapigil sakin.. Kala nila ha. =P Tapos tinanong niya sakin "Where do you want me to sign?" Sabi ko na lang.. "Anywhere!" Haaaaaay, so pogi. So galing. Rak on!!!!

Nakaupo kasi silang lima sa isang long table. Tas dadaanan mo silang lima, eh nauna ako kay Elsbethbabeth. Tas ang tagal niya dun sa una, eh ako nasa pangatlong member na. So parang nasa gitna nila kong lima, tas mukha kong ngmomoment na tanga dun. Hahaha! Lam niyo yung posisyon na magkahawak yung dalawang kamay niyo tas nakapwesto sa may gitna ng chest? Ganun pwesto ko! Tas sabi ko sa kanilang lima.. "Gosh, I cant get over this.. You're really here!" Sabi nung isa.. "Are you happy?" Haluuuur! Anu bang tanong yan?? Kaya ang sabi ko.. "SUPER!!!" hahaha, fan na fan talaga ang dating =P

At anu pa nga bang masasabi ko?? Haaaay, ang saya saya ko talaga. So after ng signing, baba na kami. Tapos hindi pa rin kami makamove on sa mga naganap! So nagtatatalon kami dun sa baba, as in! Biglang may lumapit saming babae sabi niya.. "Galing ba kayo sa autograph signing?" tas sabi namin oo. Tas sabi niya bigla, "Pwede ba kayong mainterview?" Wooohooo! Teneeeen!! Sabi na eh, I am sooo destined for stardom. Hahaha =P So yun, it turned out na para yun sa isang QTV show called Living It Up! tapos nagtititili kami habang kinukunan.. At dahil malas talaga, may mga nakapanood samin nung ipalabas yun akalain mo nga naman. Leche. Haha.

THE CONCERT
Wala na kong masabi. Ang galing! Ang saya! Super! Kinanta nila buong album eh, plus a few other songs na baka isama nila sa next album. Sa mga Lifehouse fans, isa dun sa mga new songs na kinanta is a collaboration with Jason Wade. And maganda sha, acoustic tinugtog ni Daughtry. That's definitely something to look forward to. ^_^

Galing ng band, taas ng energy level. Ang saya sayang sabayan ng songs. Tas swerte yung mga tao sa harap kasi everytime tumutugtog si Chris Daughtry, tinatapon nya sa crowd yung pick niya. Tas pati towel, tsaka yung drum sticks hinagis nung dulo na. It was a great experience as in! Kahit kinabukasan hindi pa nawala yung hype ko. Mga buong linggo ata akong excited pa rin dahil dun sa concert eh. Haha. Tas iniiwasan ko magkwento na tungkol dun kasi parang bumabalik ang aking excitement di ko macontrol. =P

Ano pa nga ba masasabi ko? Sana bumalik sila pag nakarelease na sila ng bagong album. Or kahit hinde pa. Pupunta ulet kami! =D

Sunday, August 17, 2008

nagkakasakit din pala ko

Monday pa lang last week eh nagyaya na si Mam Izonne ng party for last Friday. Mukhang gimik mode todo ang lola mo! Hehehe. At ang gusto pa eh party sa greenbelt camon! Shoshalan itech. Balak ay Absinth (nuninuninu.. brings back memories.. batch 02 eng'g? senglots ever? =D) at dun din naman natuloy..

Eto ang masaya.. Asa guest list kami! O ha o ha.. Kakilala kasi ni Boss Edz yung host/organizer nung happening that Friday sa Absinth which, by the way, was dubbed "Flirty Friday". Hehe. At todo kumokostume ang gang! Mga nagmamaganda! Hahaha! Si Mam Izonne ang winner, mukhang pinaghandaan talaga.. Backless kung backless, shorts kung shorts at boots kung boots. Best costume! Pag me nahagilap akong pic nya nung gabing yun popost ko.. =P

Eto naman ang malungkot.. Ako together with Lei and Derick, ay hindi nasulit yung gabi kasi kinailangan na namin umuwi dahil linagnat ako. At habang lumalalim ang kagabi ay pataas sha ng pataas.. Nagmamatigas pa ko nung una, kasi nakakahiya kina Boss at Mam Izonne, pero hindi ko na kinaya kaya nauna na kami =(

At potek talaga, kasi nung pauwi kami, sobrang bumuhos ang ulan! Gudlak samen.. Grabe talaga. Kaya ayun, paguwi sa apartment, nagbihis lang ako, tanggal contacts, inom biogesic+decolgen, tas bagsak na. Pagkagising ko, parang mejo ok na ko so nagayos na ko ng gamit ko para umuwing manila. Pero maya maya.. Tenen!! Ang init ko na ulet! Buti na lang andun sina Lei inalagaan ako.. =) Sayang yung Saturday ko kasi balak ko pa namang magmarket kasi sale daw.. Huhuhu.. Howel,next time na lang. Papagaling na lang muna ko. Tulo-sipon pa rin ako hanggang ngayon eh. Hehehe..

Sunday, June 29, 2008

buhay pa ko..

...pramis! hehehe.

HELLO EBRIBADI!!

OO na. Alam kong 200,000years na kong walang post.
Eh ganun talaga eh.

"Ganyang talaga ang buhay.. Lagi kang nasasapian.."
- version ko to ng Batang Bata Ka Pa =P

Anyway,wala lang. Trip ko lang magpost. Eto mabilis lang.
Mga pangyayari mula nung nakaraang galera post..
- nakafirst kiss na ko... sa sea lion. huwaw! OMG! =P (post ko yung pic next time.. mga ilang dekada ulet aantayin wahaha)
- nanalo kong best muse sa opening ng sportsfest namen. OMG LALO!!! joketime to eh,howel.
- balik badminton kami,tas nahila ko na si ate cindy
- naglalaro na rin akong pingpong. haha,feelinger.
- ok na me,wer na u?? hehehe. nde,ok na talaga ko. lagi kong naaalala yung boses ni polo eh. parang kunshensha ba.. "dahil balang-araw, may magmamahal din sa mga scorpio! yih!"
- clueless (isang tao lang makakagets neto) - headline to
- dreamer (eto rin isang tao lang makakagets) - headline din
- clueless dreamer - ako to,resulta ng mga naunang dalawa sa taas hehehe.

Yun lang sa ngayon.
*mwahness!*

Saturday, May 03, 2008

galera escapade : 04/19-20

Naaalala ko everytime lumalabas ako ng office for lunch or merienda, tas maffeel ko yung init ang instantly kong maiisip.. "Waaaah,gusto ko na magbeach!!" Hehehe. So yun,buti naman nakaisa na ko kasi natuloy yung Galera trip namen nina Monde. Mas magaling magkwento si Monde eh,punta kayo sa site niya mas maraming details nung trip namen.. =P

Pero yun. Una sa lahat,si Bri dakilang late! So by the time na dumating na kami sa Batangas port puno na yung roro na diretsong White Beach. Ang ending tuloy eh roro papuntang Calapan yung sinakyan namen. Yung roro ride, mga 2hours. Tas pagbaba eh meron ulet mga 2hr drive papuntang White Beach na mismo.. Kaya! Ang unang araw sana eh naging byahe day tas para naman me mapala nagnight swimming na lang kami. Tas shet! Grabe ang lalakas ng alon! Jusko,naiimagine ko na kung pano me mga nalulunod dahil inanod ganun.. Camon! OA na kung OA! Pero grabe talaga,para kang hinihila ng dagat. Tas shempre yung buhangin nagsusuot *ahem* sa kung san san. Kazar. Hahaha! =P

At op kors,nighttime is booze time! Wahehehe. Si 3k me dalang matinding mga inom. Tas yun,dakilang tanggero din. Haha. Ang ending,ang dakilang driver (Drew aka Wakin Burdado) ay ang unang casualty. Ang dakilang late (Bri Pasaway) ay humiga at naghilik sa di nya dapat na higaan. Ang dakilang tanggero (3k Adik).. Ayun,dakila talaga. Buhay hanggang huli! =)

Tas Sunday nagswimming galore kami sa White Beach tsaka sa Tamaraw Falls. Nung hapon,uwi na kami nina Polo at Bai. Sina Monde nagpaiwan dun tas Monday na sila naguwian. Yun lang. Masaya in fairness kahit mejo bitin. Balak ko kasi magpaitim,eh pero pagbalik ko parang walang nangyari. Parang nagmall lang ako.. Haha! Pero super enjoy. Sayang wala sina Allan.. Howel,me next time pa naman.. Sana =D

Thursday, February 28, 2008

ang tagal naaaaa...

huwaw. grabe ang tagal na ng huling post ko.

anyway,ngayon mas busy na sa office. tapos marami nang pangyayari sa buhay ko in 2months.. yun. wala lang. actually wala akong specific topic to talk about. bigla ko lang naisip magpost. anu kaya.. hmmm..

dati,i was really bored. i was hoping for something exciting to happen to me - to my life. cguro sabi ni God "excitement pala hanap mo ha.. etong sayo!" tas yun! kung anu anu na nangyari.. parang naging rollercoaster - kasi ambilis, kasi may times na sobrang saya, kasi may times na hindi masaya. life nga naman o,minsan mapagbiro.

sa seesaw,pag merong nasa taas ibig sabihin meron ding nasa baba. asa baba nga ba ako? ewan ko. im trying to be positive and happy,kasi dati sinasabi ko sa iba "you can choose to be happy.." and yes,sometimes that is really true. pero minsan din,mahirap din. parang pakiramdam mo nagpapanggap ka lang.. yun tas mapapagod ka na. tas tatanungin mo sarili mo "how long can i keep this up?" tas biglang paggising mo,ayaw mo na magpanggap. malungkot na kung malungkot! potek! pasasaan bat sasaya rin ako.. hahaha,biglang ganun! =P

pero totoo naman. mangyayari ang dapat mangyari. someday,i will be happy. again. =)