Saturday, January 28, 2006

what's my true color?

ayon sa tickle.com, ang aking tunay na kulay ay...


Green

You're green, the color of growth and vigor. Good-hearted and giving, you have a knack for finding and bringing out the best in people. Green is the most down-to-earth color in the spectrum — reliable and trustworthy. People know they can count on you to be around in times of need, since your concern for people is genuine and sincere. You take pride in being a good friend. For you, success is measured in terms of personal achievement and growth, not by status or position. Rare as emeralds, greens are wonderful, natural people. It truly is your color!


naks! akalain mo nga naman.. haha! parang ambait ko ah.. :D

out of the blue

funny.

may mga tao na meron ng lahat..
pero ikaw, yung kaisa-isang gusto mong mapasayo, hindi mo pa makuha..

life. oh well.

Thursday, January 26, 2006

ang linggong ito so far...

Simula pa nung monday, alam ko ng hindi magiging maganda tong week na to eh.. i knew it...

MONDAY, "my CoE115 nightmare" --> mejo maaga na naman ako pumasok para gawin dapat yung 115 dahil hanggang ngayon eh hindi pa rin namin mapagana yung hardware namin! takte! kung iisipin mo,dapat mas mahihirapan kami dun sa programming part but no! tapos na namin yung software, nauna pa kesa sa pagpapagana nung board mismo... bakeeett?? at hindi pa jan natatapos ang lahat.. dahil pagpasok namin sa 2:30pm lab class,inannounce ni sir na by 3:30pm eh ichcheck na nya yung me1 namin at by 5:30pm eh yung me2 naman... ayun. ayun na. tapos na ang buhay.

TUESDAY, "sa lahat lahat,STS pa.." --> eto ang pinagsisisihan ko kung bakit ko pa kinuha.. napakatrabaho talaga! at nung tuesday, eh schedule ng report namin. pero sabi ko kay paul eh sha na yung magreport tas ako yung gagawa ng slides tsa summary.. yung summary kelangan iprint.. tas ayun,nde kami nagkaintindihan at pagpasok ko sa sts eto nangyari:
*Note: Galing pa ko neto sa psych class ko at nagmamadali ako...nde ko na matandaan yung exact words nya pero parang ganyan yung naging flow nung conversation...

Ako: Uy paul, naprint mo?
Paul: Ang alin? Hindi.
Ako: Weh. (hindi ako naniniwala. AYOKONG MANIWALA)
Paul: Hindi nga.

tas yun. dahil mukhang totoo na ngang hindi nya naprint,ayun. kahit class na namin,balik akong eee at saka pa ko nagpaprint. asar talaga.

WEDNESDAY, "walang-kabuluhan-ang-araw-ko day" --> una sa lahat eh nagmeet na naman kami ni katkat sa SM para maglunch muna at yun. as usual. late. pero bukod pa dun eh ang mas nakakapagod eh nagpunta na naman ako ng up ng wala naman talaga akong kelangang gawin sa school. kelangan ko lang talaga pumunta. diba? diba? so imbes na nagawa ko na sana yung mp namin sa coe123 eh ayun,nasa lab na lang ako maghapon. *pero masaya din naman pala kasi ang kulit na naman nina katkat nung umuwi na kami..*

at ngayon, THURSDAY, "i-should've-done-this... day" --> so ngayon naman,tambak na ako ng trabaho. bukas may exam ako sa sts at deadline din ng exam1 sa coe123 at dapat eh gumawa din ako ng 115 kanina.. actually dapat kagabi eh may nagawa na akong productive pero hinde. dahil nakatulog na naman ako. ahayyy!! ano na bang nangyayari sakin?? kaya ngayon,todo cram na naman.. *haha. cram pero nakakapagblog pa?!*

sana lang matapos ko lahat mamaya.. well kahit hindi na muna yung 115.. hindi ko na mashado inaasahan yun eh...

Wednesday, January 25, 2006

unang post :)



HINDI KO TALAGA GUSTO MAGBLOG.
Well, at least dati.
Pano naman kc, yung mga private thoughts mo, mababasa ng iba. Ay gudluk! Private nga diba?? Haller haller! Para ka na ring nag-iwan ng diary mo sa bahay, sa tambayan, o sa kung saan man ng nakakalat lang.

Pero feeling ko, yung mga diary kasi na ganyan, subconsciously eh gusto din nating mabasa ng iba (nyahahaha! Adik sa psych!). Lalo na nung mga taong involved, at lalo na nung mga taong nagmamatter sa iyo (naks!). Marami kasing bagay na mahirap talagang sabihin kaya nga patok talaga etong vlogh vlogh ever na to hehehe :D (lumalabas na kabadingan... hmmm...)
At dahil jan.

Ayun na.
Vlogh na rin ako.
Hehe.
Faddism ba? Cguro partly. Pero nafeel ko kasing kelangan ko din ng outlet :)
Lalo na dun sa mga bagay na ang pwede ko lang gawin ay magreact kasi nde ko naman
kontrolado.. (aww c'mon.. really now?? :D)
Eh wala akong diary, pc meron! Haha!
Kaya naman.. Eto na.

Supplies supplies! :D