Monday, October 23, 2006

happy birthday!


Birthday ng tatay ko ngayon.
So what ang tanong mo? Wala! Baket,eh gusto ko shang batiin eh!

HAPPY BIRTHDAY PAPA!!!!
(sheff.. ang weird talagang tawaging "papa" yung tatay mo. ambadoo badoo. howel..)

***
We see lots of promise in your lovely face
Just don't be in a hurry, never be in haste
All your sacrifices may turn into waste
You'll feel you have entered a very complex maze.

(nakananeng.)

Dreams can be achieved not in just a snap
As if stars are falling right into your lap
You have to be patient, never should you stop
Aim high so that someday you'll be at the top.

(o ha? o ha?)

What kind of support can we ever give you
Serve as inspiration, does it really show?
We'll do anything, almost everything that's due
So that what you want will be a dream come true.

We don't expect to be thanked and repaid someday
Nor be given a prize in any other way
We have only one request, if you'll allow me to say
Don't you ever forget us, come what may!
***

Aww.
Nakakaiyak.

Thursday, October 19, 2006

pancit canton

Mahilig ako sa pancit canton (at actually kahit anong klaseng noodles, hehe pampahaba ng buhay!). Tas isang gabi, gustung-gusto ko kumain nun. Excited nga ako kasi balak kong manood tas tamang-tama pa kasi pagbukas ko ng tv one tree hill yung palabas.. Kaya ayun! Nagluto ako agad ng pancit canton gamit lang yung mainit na tubig sa dispenser namin (ganyan na ko magluto ng pancit canton ngayon, buhay-lab eh! haha). Tas kalamansi flavor pa yun, kakainin ko sana habang nanunuod. Excited talaga ko! Nakangiti pa nga ko habang hinahanda ko yun eh. Hehe, OA pero walang biro.

Tas naluto rin sha. Pero nung kinakain ko na,ewan ko kung anong nangyari. Parang wala siyang lasa. Naranasan niyo na ba yun? Hindi ko nga maintindihan eh. Basta ang alam ko, hindi siya kasalanan nung pancit. Tas habang kumakain at nanunuod, naiiyak na lang ako. At hindi ko na talaga siya malasahan.

Kainis talaga. Nasayang lang yung pancit. Sana ibang time ko na lang niluto. Eh di sana naenjoy ko pa.
:(