Monday, May 29, 2006

congrats sa ERG!!!

Wooohooooo!!!!!! Ewan ko na lang ha! Grabe na talaga! The power ever! YEYEYEYEBAHHHH!!! What a way to start the year! ERGxplosion na talaga itoooooo!!!!!!!

GO ERG!!!!!!!

Hay. So yun na nga,natapos na rin ang sobrang pinagpaguran ng lahat. At ang hatol-2nd place ang ERG sa FOPC! Nagbunga rin ang araw-araw na paglalamay sa tambayan, pagmumukhang basurero dahil sa pagpitpit ng mga bote,pagkasira ng sangkakukohan sa pagtanggal ng mga staple wires ng mano-mano,paglilibot sa kung saan-saan at kakapalan ng mga mukha!

Hindi talaga matatawaran ang samahan ng isang pamilyang united and driven by one goal. Syet. Sana indication ito ng darating na taon para sa ERG.

Shempre,maraming salamat sa lahat ng ating sponsors... Next year po ulit! Haha! :)

Friday, May 19, 2006

hindi ko na 'to kontrolado

Tae talaga. Hindi na ako nadala. Itatanong ko pa lang sana:

Dapat mo pa bang hayaan yung sarili mong mahulog ang loob sa taong imposible mo namang maabot? Tipong zero per cent chance ganun?

Ngayon alam ko na, hindi na dapat. Putakte. Namumuro na ko ah! Nakakadami na ko,sunud-sunod pa! Bwiset talaga. Ansakit.

Arawch. At dahil jan,ayoko na muna ulit. Saka na lang. Peste. Malaking kapestehan. Malaking mga pasakit talaga dala ng technology,pero at least namumulat ka ng maaga sa katotohanan. Pero mas gusto ko ba yun? Ewan ko na lang kasi sa pakiramdam ko ngaun,jusko. Nakakaleche. Para akong tanga. Potabing. Itutulog ko na muna to.

P.S. Go ERG!! Tuloy lang ang laban natin. Maraming bagay ang kelangang paghirapan para mas masarap pag nakamit. Isa to sa mga yun. Manalig tayo..

Wednesday, May 03, 2006

isang pamamaalam...

Matagal mo akong nilibang.
Ilang buwan mo rin akong pinasaya at pinakilig.
Dahil sayo,lalo akong nanalig na merong taong nakalaan para sa akin.
Binigyan mo ako ng dahilan para umuwi ng maaga, isang bagay na hirap ang nanay kong ipagawa sa akin.
Magkalayo man ang ating mga mundo ay umasa akong isang araw ay makikita kita't makikilala.
PINAGNASAAN KITA,pano ang cute cute mo kasi.
Marami akong ibang gusto,pero nung makita na kita ikaw na lang ang nag-iisa para sa akin.
Nadevelop talaga ako sayo.
Syet. Mahal kong Hyun Bin!! Bakit mo ako iniwan?!?!?!


Waaahhh!! Tapos na Kim Sam Soon! Wala na akong aabangan tuwing gabi,parang ang corny pa naman nung Love of the Condor Heroes. Mamimiss ko talaga sila Sam Soon, yung nanay niya at syempre,si Cyrus. Haha,kala mo naman talaga kakilala na aalis na eh! :D Pero sa totoo lang,magiging malamig na ang aking mga gabi... Paalam Papa Hyun Bin...