Wednesday, February 28, 2007

kakaburaot

Sabi ko kay Monde kahapon "I'm bored."
Sabi niya "Ganyan talaga pag wala nang gagawin sa thesis."

Nye, gudlak jan. Una sa lahat, sobrang naghahabol pa kami ngayon. Marami pang kelangang gawin. Marami pang dapat maipakita, mapagana, maprove. Sobrang bored lang talaga ko. Siguro dahil araw-araw wala nang ibang ginawa kundi humarap sa PC at maghanap ng mga sagot na parang sobrang mailap. "Same old, same old" kumbaga.

Dati excited talaga ko pumasok. Ngayon, hindi na. Minsan, oo. Kasi may inaabangan, may pupuntahan, may kakaibang gagawin. May anticipation. Tas hindi matutuloy yung gagawin, hindi mangyayari yung inaabangan, hindi na din tuloy yung pupuntahan. Sobrang nakakainis.

Gusto ko lang sigurong may mangyaring kakaiba sa buhay ko ngayon. Kung anuman yun, ewan ko. Para lang maging exciting ulet lahat, para naman hindi nakakasawa. Kung kelan pa paalis na kami, saka pa ganito yung feeling. Gusto ko maenjoy yung ilang linggo pang natitira.

Sa kabila ng thesis at nalalapit na defense.
Sa kabila ng eyebags at pimples.
Sa kabila ng laging pagtatago sa mga tao na akalain mo kriminal kami at may ginawang sobrang sama.
Sa kabila ng walang katapusang pagpaparamdam at pakikiramdam.
Sa kabila ng dumadalas na mood swings.
Sa kabila ng natatambak na panoorin.
Basta, you get the picture.

Thursday, February 08, 2007

buhay 6years old


Eto yung bunso kong kapatid, si Marisse, 6 years old at magbbirthday sa June 6. Kung makikita niyo,hindi katangusan ilong niyan. Actually, joke joke na yun sa bahay. Minsan ang tawag sa kanya si Pangulo (pango-lo), tas niloloko sha ng tatay ko na pag-iipunan na raw pampanose lift niya :D

Marisse: Ate, gusto mo bang mag-asawa?
Ako: Hinde.
(hindi ako mashadong nagpapakita ng reaction. yup,inuungas ko lang sha.)
Marisse: .......
(hindi rin sha ngreact,mukhang hindi yun ang ineexpect niyang sagot ko)
Ako: Joke lang. OO NAMAN!
Marisse: Eh di ba masakit manganak?
(takte dapat ba alam na niya to??)
Ako: Kanino mo naman nalaman yan?!
Marisse: ...
(hindi niya sinagot ang tanong ko. mabait na bata to eh.)
Ako: Eh bakit ikaw gusto mo bang mag-asawa?
Marisse: Hinde. Magboboyfriend lang ako. Tas hihiwalayan ko din.

Tae! Haha. Six years old yan ha.
*Hoy,wag niyong sasabihing mana saken to! Gusto kong mag-asawa no! :P*

Eto pa:
(Eto yung Monday na di ako papasok kasi nagdudugo na ilang araw yung ilong ko. Naghahanda na sha pagpasok nito, ako nakahiga lang.)

Marisse: Ate,papasok ka ba?
Ako: Hinde. Maysakit ako eh.
Marisse: Eh,anong sakit mo?
Ako: Sakit sa ilong...
Marisse: MAGPANOSE LIFT KA KAYA!

Yun talaga yun eh! Hangkapal ng mukha! Hahahaha! Ako pa talaga sabihan ng ganun?!? Mejo may kaungasan talaga tong kapatid ko na to eh. Eto naman,asa simbahan kami eh ang gulo gulo niya.

Kami: Huy Marisse,wag ka ngang malikot. Laro ka ng laro. Sige ka,lagot ka kay Jesus!
(Ang Jesus na tinuturo namin eh yung nakaluhod na may dala-dalang cross)
Marisse: Eh hindi naman ako maaano niyan eh! Ang bigat kaya ng dala niya!

Panalo. Kahit mga magulang ko wala nang nasabi. Ansaya magkaron ng kapatid na bata,parang lahat bloopers. Haha! Pero sana wag na tumanda. 6years old na lang forever.