Friday, June 30, 2006

di mo talaga masasabi...

Grabe na.

Na-late ako sa 8:30-10 class ko kanina kasi nakipagchikahan muna ko sa nanay ko bago umalis. Pano kasi, may kaaway kami dati na kamag-anak. Nakatira sa kabilang bahay namin yun dati, bale yung lalake eh pinsan ng tatay ko tas shempre buong pamilya nya dun nakatira. Tapos, ang mga walang hiya (haha), mga backstabbers! Ahay! Todo talaga,tipong kung anu-anong masasamang sinasabi tungkol sa amin. Kesyo yung nanay ko daw parang dragon lalo na pag nagalit, tas pati yung kapatid kong si Maan eh dinamay sabi demonyo daw ganun. Shempre, nagkaron ng confrontation tas sa huli pinalayas na sila ng nanay at tatay ko.

Sobrang tagal na netong nangyari, as in. Ang epal talaga kasi eh yung asawa nung tito ko na yun. Siya talaga yung daldalera. Sa tinagal-tagal na siguro mga more than 5yrs na to, hindi pa rin kami nagkakabati-bati. Tipong pag may mga gatherings, walang pansinan. Ganung effect. Pero hindi mo talaga masasabi ang buhay. Nabalitaan na lang namin, namatay na pala yung tito ko nung isang araw. Nadaganan ng poste or something, basta ganung effect. Grabe talaga.

Tas yun,pilit sinama yung nanay ko sa pagbisita dun sa burol kahapon. Well,gusto din naman talaga niyang pumunta kaso nga lang shempre natatakot din sha kasi baka sha pa yung isnabin pagdating dun. Pero sabi niya,hindi naman daw. Nag-usap naman daw sila. Hindi man ok na ok,pero at least civil na sila. At yan ang pinag-usapan namin ni mama.

Wala lang. Ang weird lang kasi eh. Siguro may mga ways lang talaga ang buhay na sha na lang ang nakakaintindi. Iniisip ko siguro oras na talaga ng tito ko, or pwedeng way lang yun para magkaron na rin ng closure yung nangyari. Hehe. Wala lang,tsinismis ko na pamilya ko. Hehe :)

Saturday, June 17, 2006

post lake house syndrome

Kakapanood ko lang ng Lake House,kasama ko nanay ko. Yehey! Libre!
Anyway ayun nga,tas shempre si Keanu Reeves bida dun tas naalala ko lang na dati sobrang crush ko sha. Tas dun ampuge pa rin nya! Although halata na mejo tumanda na rin sha talaga. Pero pogi pa rin. Tas habang nanunuod kami wala lang naisip ko lang...

Pano kaya kung bakla siya?

Wah! Madadagdag na naman siya sa mga sayang na pogi sa mundo. Para bang si Piolo. Tas may nakita din akong pic na binaboy sha (literal to hehe) tas naisip ko...

Pano kung nagkaganito na talaga yung hitsura nya?


Hay malamang mawalan na talaga siya ng career ng tuluyan. Wawa naman.
Pero hindi naman siguro niya hahayaang magkaganyan siya. So wala akong dapat ikabahala. At least for now.

Haha,prinoblema talaga yung posibleng pagtaba ni Keanu Reeves eh. Yung sariling pagtaba hindi intindihin! :)

Thursday, June 01, 2006

telenobela atbp.

Grabe,tapos na rin ang TALENT SHOW at malapit na enrollment. Haha! Ansaya pala ng hindi agad natutulog sa mga okasyon tulad ng TS kasi nawiwitness mo mga kaungasan ng mga tao,hahaha! Asteeeegggg!!! Tas ansaya pa namin ni Arlan kasi ginawa namin yung tapunan ng tubig sa mukha dun sa Bituing Walang Ningning! Yung ginagawa after nung line na "You're nothing but a second-rate trying hard copycat!" Complete with acting pa! Haha,at hindi lang isang beses. Nakatatlo ata kami sa bawat isa. Shet,isa na namang dream ko ang nafulfill. Kaya naman... SALAMAT ARLAN!!! Isa kang tunay na kaibigan! Hahaha,takte.

***PROLOGUE:
Iisang metro
Ngayo'y libu-libo
Tila wala na ngang pag-asang
Kailanma'y mapalapit pa.
***
Noo'y di naman kita tipo
Pano dati'y may ibang gusto
Pero napansin din ang iyong kisig
Putek,talagang nakakakilig!
(Oops,hehe...)

Lagi kong winiwish
Na lagi'y masulyapan ka (lagi-lagi talaga!)
Ngunit pag andyan na
Takte,di naman makapagsalita!
(Ahayy,anukayayun...)

Di naman sa sobra akong lovestruck
Hirap lang talagang magmake ng eye contact
Pag malayo ka kasi'y sobra mo nang gwapo
At pag malapit pa,ay panalo!
(Arrribaaaa!)

After a few days tayo nga'y naging close
Mula small talk nagshare na rin ng conversation
Hindi ko inakalang pilyo ka't loko
Kahit puge ka kasi minsa'y mukha kang seryoso.

Ngunit di naglaon aking nalaman
Puso mo pala'y mayro'n nang nilalaman
At MAHAL na MAHAL na MAHAL mo siya
Hay,ang swerti naman niya...
(Ang bruha!!)

Hindi ko alam kung mas masaya nga ba ako noon
Nung mga panahong akala ko may pag-asa pa ako sa'yo
Sana nga ba di ko na lang nalaman ang totoo?
Eh di sana excited ako sa pagpasok ng Hunyo...

Pero di na rin naman magmamatter anuman feelings ko
Kailanma'y di mo na malalaman ang mga 'to
At pagbalik mo para sayo'y wala namang nagbago
Ako pa rin (AT NA NAMAN) ang kaibigan mo.

=)