Friday, March 30, 2007

hmm..

2exams,isa sa kanila take-home. Ok.
1design problem,mahirap paganahin. Wala pa talagang nasisimulan.
1Wiki page,30% ng 1 sa mga exams. Wala pa ata kaming topic.
Isang araw,isang weekend. Boksing na!

****

Akala mo lang minsan ok na lahat. Well,hindi ok na ok pero at least wala na sa kritikal na kondisyon kumbaga. Stable ganun. Pero isang araw malalaman mo na lang hindi pa pala, tas magkakaaberya tas magugulo lahat tas pakiramdam mo lahat linoko ka. Walang kahit sino sa tabi mo,naghahanap ka at nakikita mo sila pero may kung anong dahilan at hindi mo sila maabot. Parang yung napanaginipan mo pero yun nga lang eto totoo.

Saturday, March 24, 2007

ang "mahiwagang araw" ay dumating na.. at natapos :D

Tapos na!!!!
Tapos na 198!!!

Shucks. Akalain mo. Parang after 20 years, after ng lahat ng kakulangan sa tulog, sa oras na ginugol sa pagsimulate at pagdocu, sa pagharap sa pc maghapon, sa pagtatago at pagiging invisible, sa stress and all, natapos na din. This is it. This is really is it. Haha.

Kanina yung final presentation namin, tas complete attendance yung panel. Naks. Tas may dumating din na isang faculty na hanggang ngayon hindi pa rin namin alam yung pangalan. Hehe. Tas hinihintay pa muna yung isang panel member na dumating so nagkaroon kami ng time para mejo kabahan dun nga sa presence ng teacher na di namin kilala.

"Sino kaya yun?"
"Bakit sha nandito?"
"Eh ano naman kayang alam niya sa project naten?"
"Huyy... Kinakabahan na ko.."

Haha,parang ganyan yung mga usapan namin sa 10minutes na pinaghintay namen. Anyway, ok naman yung presentation namin mismo kasi nakadalawang mock presentations na kami. Tas nung tapos na kami magpresent, questions from the panel.

Panel Member 1: So yung sinabi niyong task not accomplished niyo, bakit hindi niyo nagawa?
--> Keri lang to, alam na namin yung isasagot dito. May mga iba pa shang follow-up questions pero ok na rin.

Panel Member 2: You wrote here in your documentation that both linear settling and slew rate affects the performance of your integrator. So what is linear settling? How do you define that?
--> Mejo nagtagal kami sa tanong na to kasi naconfuse si Tanya. Ang pumasok sa isip niya agad eh linear settling TIME na di namen maexplain. So parang try try lang sumagot ganun haha! Naalala ko yung mukha ni Tanya eh.. Tas nung hindi pa rin ok dun sa tanong na yun, at narealize ko na nga yung confusion na nangyayari tumalikod na ko sa audience tas harap ako kay Tanya sabi ko..

"Tanya, ok lang yan. Relax. Ang tinatanong ni Sir eh linear settling at slew rate. Hindi linear settling TIME."

Tanya: Ah! Yun ba! Alam ko na..

At yun, inexplain na nga nya. Hehe.
*Sorry Tanya, di kita natulungan talaga agad sa pagsagot..*

Panel Member 3: Yung filter niyo is low pass right?
--> Yes, sir.
Panel Member 3: Navalidate niyo ba kung yung mga nakuha niyong coefficients eh para sa lowpass filter talaga. Nagtry ba kayo kunwari may 2-tone tas yung isa nasa passband blah blah..
--> Actually, hindi talaga namin natest na ganun pero yung function sa MatLab eh yun naman talaga yung ginagawa tsaka naging ok naman yung reconstruction namin nung sine at BPSK inputs so yun. Pero ok na rin to.

At ayun na nga. Sa ngayon, mukhang ok na naman ang lahat. Final docu na lang!!!! Weeeee!!! At least maaasikaso naman namin yung design problem sa 113. Hehe. Pero nakakatamad pang gumawa eh, parang ansarap magpahinga todo :D Marathon na ito!!

Astig talaga. Astig ng MaTaLeino group. Dabest! Yeyeyebah.

P.S. Godbless pala dun sa mga nadelay ang 198 presentation! Go go go Geof! Go go go Jhongkiks! Go go go Monde! Ay tsaka eto pala yung title ng project namen...

ZigBee-Compliant Fully-Integrated Delta-Sigma Analog-to-Digital Converters Implemented in 0.25um CMOS Process
Cool no? Andaming dashes sa title. Hehe.
=)

Saturday, March 17, 2007

ikaw pala.. aking hinahanap..

*Walang koneksyon ang title sa laman ng post.*

Napansin ko lang na yung mga nakaraan kong posts parang puro pagrarant kaya ang depressing na netong blog ko. At dahil jan, eto pa pampadagdag. Haha.

Konting konti na lang matatapos na kami sa aming undergraduate project. Pero yung konti na yun parang hindi namin matapos-tapos. Nakakaasar na. I mean, inaanticipate na namin yung kawalan ng ginagawa, yung pagfocus naman sa ibang mga bagay tulad ng lablayp (haha,as if..) tsaka paghanap ng trabaho at panunuod ng sine at pagmamarathon ng bleach, death note, prison break, 4400, dance drill, sailor moon, lost, at marami pang iba! Basta. Nakakagigil na.. Tipong... almost there... but not quite. Waaaahhh!!! Nakakafrustrate.

Teehee.

Wala lang. Yan ang latest expression ko. Ewan ko kung san ko napulot, pero ayun. Teehee! :P

Anyway, andami ko nang namimiss na job interviews at exams. Well,actually hindi naman as in sobrang dami pero quite a few. Pano na ko yayaman nyan?!?! Haha! Sina Geof at Jhong pupunta na ng Japan. Si Monde nakakailang interview na sa para sa "dream job" niya. Si Lei tanggap na sa BitMicro although di pa sha nakakapagdecide kung tutuloy na talaga sha dun.

Eh ako?!?!
Wala. Asa lab pa rin, nagsisimulate. Loser. Bwiset.

Pero pramis ko sa sarili ko, magpapainterview na talaga ko pag maayos-ayos na lahat. Ang kaso lang, kelan kaya yun?!? Tsaka baka pag dumating na yung time na yun, naubos na yung mga opportunities. Hayayay sisbumbay! (-leilei.. wahehe..) Basta, isa ko pang pramis, yayaman talaga ko! Haha! Para makapunta ko kung san san! Weeeee!!! :D

Punta kong Japan para mameet ko si Raito at L.. Haha. Kaso patay na pala siya.. Haha, spoiler! Tsaka si Matsuo Toshinobu. Hihihi.
Punta kong Korea para mameet ko si Papa Hyun Bin tsaka si Prince Yul at Prince Shin. Ye!
Punta na rin akong Taiwan para sa F4. Wala lang, sumikat din naman sila eh.. :P
Punta na rin akong States, para mameet ko si Wolfgang Puck. Pero Australia ata talaga sha galing eh.. Howel..
Tas balik akong Pinas.. para kay Prince Charming.. <3
Huwattt?? Huwattt? Ahehehe! Hangkorni. Hanubayan?!?!?! Nyahahaha!
Bwiset. Teehee. Hihihihihi.
:P

Tuesday, March 06, 2007

alam mo yung "soo wrong"..?

Nagbabasa-basa.

Tas narealize ko lang andami na nagbago,andami na nawala. Isang pangyayari lang,tas nagsunud-sunod na tas hanggang biglang ngayon.. it's gone. Parang yung simulation ko kay frost na iniwan nung friday tas pagbalik ko kanina black screen, may gray box sa gitna nakalagay
"Please enter username:" Tas blank. Bwakanang. Sabi nga ni Polo, "Hayup." Nakalogout nako sa PC na yun. Gusto ko lang sabihin na yung simulation na ginagawa ko eh isang araw bago matapos para sa isang transient analysis na ang start time eh 0 at ang stop time eh 20us lang. Isang buong maghapon. Tipong papasok akong mga 10am tas sisimulan kong isimulate tas nakatunganga na muna ko, hahanap ng kausap, susubukan magbasa, magpapakabusy. Tas chcheck ko lage lage para lang makita na wala pa sha sa kalahati. Tas matatapos yung simulation, madilim na sa labas.

So yung sinisimulate kong ganun, nawala. Iniwan ko na nga nung Friday para pagbalik ko tapos na sha. But no. Potek. Hanggang ngayon, wala pa ring kasagutan kung bakit nagkaganun. Hindi ko rin alam kung gusto ko pang malaman. Basta nagsimula akong magsimulate ulet. Iniksian ko na, 10us na lang.. so mga around 3-4 hours yun isimulate. Pagtapos nung unang simulation, mali yung output. Walang kwenta yung ginawa ko. Tas after 15minutes siguro, progress report na pala namen. SUPLAYS!! Anong sasabihin ko?? Wala. Wala na kong nagawa. Yuko na lang, habang may nasasabi sila at ako kinakabahang naghihintay sa turn ko sa pagsasalita. Hindi ako naiyak.

Ngayon,naghihintay na naman ako. Sa isang simulation na hindi ko siguradong maayos na ang kalalabasan. Pag natapos to at mali, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Yung mga sagot, mahirap hanapin. Yung pwedeng makasagot, mahirap harapin.

Para ring tanga yung simulation, gumagaya sa kwento ng buhay ko.